Y 5.30.2006
Painful, Beautiful
eist, eiow...it has been quite some time since I last posted here on my blog. Kinda busy sa pag-aaral at hindi ako nakapagnet last Sat. cause I watched the latest X-Men movie with my mom and my two sibs. What can I say about the movie? Well, it's pretty good. Maganda siya in terms of special effects and all the other aspects pwera lang sa storyline. Hindi naman nalayo ung storyline niya dun sa naunang dalawang movie pero parang hindi kapani-paniwala or hindi tama ung mga nangyari or ung naging ending. Una, bakit ginawa nilang maxadong immature si Rogue? Rogue is supposed to be the most powerful among the mutants, hindi si Jean Grey. Sa totoong story nga eh si Rogue lang ang nakakatalo kay Jean Grey eh. Next, nung pinatay ni Wolverine si Jean Grey para hindi na niya magamit ung mutant powers niya to harm others, bakit hindi na lang nia sinaksakan ng cure si Jean para maging tao na lang sia, dibah? Pero I kinda like the last scene ng ending niya. Magneto was able to move one of the chess pieces. Maganda na hanging ang ending. Anyway, ano pa ba ang mga nangyari sa past week. Well, pinaka chaotic ang last week dahil wala si Ate Melissa. So, kami ung maglilinis, maghuhugas ng plato, magaasikaso sa laht ng bagay sa bahay etc. Madali lang sana yun kung magisa ka lang sa bahay pero kung may kasama kang 5 younger kids na hindi puedeng hindi magkakalat at mangugulo ng bahay eh eiwan ko na lang kung hindi ka rin mabaliw. Nagtatatalon nga kami sa tuwa nung nalaman k na last Sunday eh susunduin na ni Mommy si Ate Melissa eh. Hay, neweiz, malapit nang matapos ang review namin sa ProTech. Hanggang tom. na lang actually pero dahil nakapagfinal test na kami ngaun eh baka hindi na ko pumasok bukas. Nabwisit ako sa test kanina. Hindi naman dahil sobrang hirap. Ang level of difficulty nia is above average but not difficult. Nairita ako kasi dapat bukas pa ung test tapos biglang pagdating ko kanina sa review center eh magtetest daw. Balak ko pa naman na mamayang gabi pa mag-aaral so wala akong inaral. Nagpanic ako sandali pero wala naman na kong magagwa so sinagutan ko na lang. Ang hirap nung Language Proficiency part at nung Science part. I was guessing half the time. Owkei naman ung Math, nasagutan pero matagal. The Reading Proficiency was easy of course. The thing is nagulat ako sa behavior ng mga kasama ko kanina na nagtest. Usually dibah pag nagtetest pagkahawak na sa mga test paper eh parang nasa libingan sa katahimikan? Kanina para silang nasa palengke. Lahat ng mga maiingay finished an hour earlier than me. Nanghula lang daw sila. Asar na asar ako. Kung ayaw nilang seryosohin ung test sana tinikum nila ung mga bibig nila para ung mga gustong magseryoso eh nakasagot ng maayos. Meron namang iba na halatang halatang nagkokopyahan pero hindi ko na lang pinakealaman. It would have been better sana kung kasabay kong nagtest si Kim. Si Kim ang friend ko sa review center. She's from Philippine Science High School at tuwing lesson time sa review eh kaming dalawa lang at ung teacher ang nagkakaintindihan. Parang kami lang ang nakikinig at kami lang ung interested. Hay, neweiz, I'm going to miss her din naman. Bukas hindi na siya papasok kasi enrollment nila sa PhiSci. ~ Anyway, bago ako mapunta sa topi na Pain at Beauty na title nitong post ko. I just want to talk about this new anime na ipapalabas sa animax, ung God ( ? ) Save our King! Its first ad really caught my attention. Parang sinabi na according to statistics or survey only 1 out of 10 men is good looking. Tapos sinabi na don't worry because we have all the hunks here, anime style! Ala lang, natripan ko tapos may 5 na bida na guys. Out of the 5, I think four are cute pero dahil cute silang apat eh walang nagningibabaw. Either ung may white hair or yellow hair na lang. Hay, hindi ko na sia maabutan kasi sa June 5 ang premiere nia eh asa Manila na nun kami. ~ Anyhow, speaking of Pain and Beauty, naisip ko lang toh kahapon nung nagpapafacial ako. Siguro mga pang8th time ko na toh since nung unang beses kong nagpafacial. Naaalala ko ung first time ko, eh umiyak ako. Not iyak as in humagulgol pero tears were really rolling down my cheeks kasi parang iniinjection ung face mo 50 times or more. Naisip ko, bakit ba ko nagpapafacial? Para maging makinis ang face? To feel good about myself? To feel beautiful dahil mawawala ung mga pimples or whatever blemish is on my face? Pero to attain that kailangang dumaan sa proseso kung saan makakaramdam ka ng matinding sakit. Then napagisip isip ko rin na people don't really have to do all of these stuff to feel beautiful eh. Psychological thing lang yan. Kahit na gano kalayo ng hitsura mo sa face na tinuturing na beautiful ng ibang tao, you can still be beautiful. Basta't u feel good, you can feel beautiful. Mga ganung bagay ang pumasok sa utak ko pero this won't be my last time to get a facial. Gagawin ko pa rin yon kahit na it means i'm insecure about what I look like kasi tao lang naman din tayo. Kung ginugulo ko na ung isip niyo eh titigil na ko dito. I'd stop rambling. I'm just pouring out the thoughts that pops into my mind. ~ eist, one week na lang eh balik school na rin. sobrang gusto ko nang pumasok to be able to see my friends and everyone pero sobrang natatakot ako. takot ako sa bago kong section. i don't like change because i'm scared of it. hindi ko alam if things will work out sa copernicus or kung magiging owkei ba ung bonding namin or magiging close ba kami. mageenjoy ba kami or magkakapatayan sa pagiging GC? natatakot din ako sa nararating na UPCAT at iba pang admission test. parang kahapon lang eh nagsisimula ako ng first year, ngaun nagaapply na ko for college. actually, feel ko eh madali lang ang UPCAT kung galing kang MaSci. ang inaalala ko eh kung makakapasok ako sa BAA na isang quota course. Wala pa nga akong second choice na course eh. Hay, buhay. ang bilis talaga ng panahon. buti na lang kahit mabilis ang agos ng panahon eh nakakasabay pa naman ako kasama ng mga kaibigan ko at mga mahal ko sa buhay.
you know you love me xoxo
4:52:00 PM
Y 5.17.2006
Pix
My first ever anime crush
The 7 Suzaku Star Warriors
Fushigi Yuugi
Natsume
Shinichi Kudo Sawada-anime version
sawada- so cute!
you know you love me xoxo
11:17:00 AM
Y
Just an Update
Hi...mejo maaga aga ang post ko ngaun dahil I was given the chance to go online ngaun. Galing kasi kami ng dentist ni Nina. Nagpapalit ako ng rubber. So, kung dati eh fuchshia ang rubber eh ngaun light pink na. I kinda like the former better kasi parang ang dull ng light pink. Anyway, wala naman ako masyadong sasabihin kasi not much happened since last Monday. Well, fiesta samin nung Monday. As usual daming pagkain sa bahay ng lola namin. Nanood din kami ng santacrusan and the ususal things we do during May 15. Hai, bakit ba ko nagpost dito? Well, ala lang naman. Wala lang talagang magawa. Anyway, I'll just rave about Sawada, Natsume and Erin. Ang cute ni Sawada kahapon, lalu na nung nagsmile siya. Si Natsume naman tinawag na rin si Mikan sa pangalan niya. Hay, eh dibah si Ruka ma gusto din kay Mikan? Pano un? Siempre magpapaubaya si Natsume para kay Ruka tapos ganun din ung gagawin ni Ruka. Basta ang cute talaga ng Alice Academy. Mukhang pambata pero it's actually really nice to watch kahit anong age mo pa. Neweiz, I'm guessing na Mikan will turn out to be powerful or connected to "that person" ung leader ng mga Anti-Alice group. Hay, anyhoo, binilang ko kagabi at 18 days na lang ata eh start of classes na ulit. Where has the summer gone to? Ano ba na-accomplish ko this summer? May mga nagbago ba sakin? Have I matured in any way? ~ Before I answer all those questions, I want to reflect first. May natitira pa namang 2 weeks para maisip talaga ang sagot sa mga tanong na yan. Sa June 4, last day of summer vacation eh I want to reflect on what happened during the summer and I'd examine myself and see if there were changes both in and out.
you know you love me xoxo
9:55:00 AM
Y 5.14.2006
3 more to go...
owkei...hi...i actually wrote a list of the things that i would be writing in my blog this week. I sort of have this short term memory lost wherein I remember things when it's not the time to remember them and forget them when I should remember them or sumthng like that. Newei, so, I wrote a list and here's my agenda for this week.
caffeine alice academy crisscross braces food review i love new york No loading, no unloading Tita Cristy Yani's Dream Reyna Mother's Day Nung bata ako
Owkei, so there you have my thoughts and experiences. Now, its time to get into the details. ~ Caffeine ~ or otherwise known as coffee...i've started drinking it again. It doesn't help me stay awake or anything. I could stay awake without it but I just want to write about they way people think when coffee is mentioned. I've seen a few shows wherein they consider drinking coffee as something bad nd in ATBG, Ginger was kinda forbidden to drink it even though she's already 14. I was kinda shocked by this idea cause I started drinking coffee when I was about 3 years old. My grandma would brew coffee in the morning and then we'd dip pandesal in it and that would be our breakfast. If coffee is supposed to be bad for your body or for your health or whatever then how come we turned out to be ok? My sister and I, I mean. I just don't get it. ~ Alice Academy ~ I totally like Natsume!!!! It's just so bad he likes Mikan but I think it'll do him good. Ang cute tlga ng mga suplado noh? May pagka mysterious kasi sa personality nila kaya ang cute. ~ Criss Cross ~ I'm so in love with Jon Erin!!! He's so protective of Iyah. Bad boy na cute and rich, what more could i ask for? Isng story na naman na kabbaliwan namin ni abychu...ang galing tlga ni jesse na gumawa ng story. Ginawa niya si Daryll tapos si Ayan then si Xander at ngayon naman si Erin. 4 different guys with diff. personalities pero pinakagusto ko pa rin tlga si Daryll. Sobra! Iyah is so kikay. Alam niyo ung mga girly girl na maarte na kikay na ang sarap sampalin? Ganun siya. Ang question ko lang eh pano magkakatuluyan ang magstepbro at stepsis? Pwede ba yun? Is that even possible?? ~ Braces ~ Sa past week thrice natanggal ang braces ko. Nakakahiya na ngang bumalik sa dentist eh tsaka hassle. Biruin mo ba namang three hours akong naghihintay sa labas ng clinic niya. Well, medyo nasasanay na rin naman ako. I can bite and stuff so hindi na ko ginugutom. Most likely 2 years nian ang braces ko so until April 2008. Hindi ko pa rin maimagine ang sarili ko na magbabraces nang ganun katagal pero worth it naman siguro. ~ Food ~ This is in connection with the braces. Sabi ni Cm nung nakachat ko siya last Tuesday na ang reason kung bakit natatanggal ang mga braces eh kung kain ng kain ang taong may braces. Well, I'm guilty of that. Kain nga ako ng kain kasi naman well, basta ganun ako pag nasa bahay. Hangga't may nakikita akong makakain at masarap ay parang gutom ako lagi pero hindi ako tumataba. Matakaw talaga ako kung alam niyo lang. Si pH nga 1 time nung kumakain kami sa may KFC sa SM eh nagulat nung umorder ako ng 1 spagh, 1 chicken w/rice, 1 mashed po, 1 large iced tea. Kung gutom talaga ako may additional 1 large fries pa yan. Minsan lang naman ako nagiging matakaw eh pag gutom talaga. Minsan nga I don't eat 5 meals as in halos 2 days ako hindi kumakain pag hindi talaga ako nagugutom. Well, ganun talaga ako eh tsaka takot na takot akong tumaba. Hindi ko alam bakit. As in balak kong hanggang 40 kilos lang ako forever. Hehehe, hindi naman puede yun so, mga hanggang 45? Natatakot tlga akong tumaba. Owkei na sakin tong katawan ko kahit payat. ~ Review ~ Well, what can I say about my review? Medyo walang kuenta actually pero owkei lang, review naman ung ginagawa eh. May mga natututunan naman ako pero mejo mabagal talaga ang lessons kasi naman maraming klasmeyts ko ang wala pang background sa mga subjs. like trigo, p6, ad. algebra and the like. Tapos pag nagdidiscuss nagdadaldalan lang sila so uulitin na naman. Nakakaasar na nga eh. Tapos may mga girls pa from this certain school na alam mo un? Rich and pretty, hanggang dun na lang? Well, ayoko namang maging harsh kasi medyo friendly naman sila. Pero I can't see any progress with myself. Sana naman sa huling two weeks ng review namin eh magprogress ako. ~ I Love New York ~ Waah..mamaya na toh. Well, medyo naexcite lang ako at gusto ko siyang subaybayan if given the chance. I really like the love team na Mark-Jen. Tapos na intrigue lang ako sa story, feel ko maganda siya. At least magkakaroon na ng light na TV flick na Filipino na worth watching. Un bang hindi puro drama na lang? I hope it turns out to be good. Papanoorin ko ung pilot ep nia mamaya. ~ NO LOADING, NO UNLOADING ~ Wala lang. Nung one time lang kasi na papunta ako sa review center ko eh ung jeep na sinasakyan ko eh nagbaba sa lugar na as in ang laki laki na ng sign na toh tapos get this, may katabi pang pulis ung sign na yan pero parang ala lang sa kania. Hay, hindi na talaga marunong magbasa ang mga pinoy. May pag-asa pa ba ang bansa na marunong ngang magbasa ang mga tao pero hindi marunong umintindi? Sabi nga ng math teacher ko sa review "No one will teach you how to think." Hay...buhay talga....uunlad pa ba tayo sa ganyang lagay? ~ Tita Cristy ~ Well, last week, last Sat. in particular, after kong maginternet, nakareceive kami ng news na nalunod ung tita ko sa Puerto Galera habang nagsnorkeling daw sia. Owkei naman na sia nung nakarating samin ung news kaya medyo hindi na kami nagpanic. Itong tita ko na toh ung kasama namin sa Manila so parang siya ung 2nd mom namin pag andun kami. Napagkasunduan ng family na hindi sasabihin sa lola ko kasi baka pag nalaman niya eh maatake daw siya so sinabi lang eh nagcollapse dahil sa kakabadminton. Ito namang bunso kong kapatid eh hindi talaga matikom ang bibig at sinabi. Well, damage control ung isa ko pang tita, c Tita Ley, kaya hindi naniwala ung lola ko. Neweiz, she's fine now and that's what's important. ~ Yani's Dream ~ Last week eh may kinuento sakin si Yani. Napanaginipan daw niya ko. Well, hindi ko puedeng sabihin dito kung ano yung dream niya. Dibah Yani? Kasi baka may makabasa magsumbong pa dun sa girl na basta...samin na ni Yani un. Pero neweiz, Weird nga ung dream niya pero medyo naintindihan ko rin. Baka it means something, baka may message. Baka sinasabi nung dream niya na magbabago talaga si guy. Magbabago siya ng ugali na parang hindi ko na sia or hindi na namin siya kilala. Gets mo yani? Pero malayong mangyari ung isang aspect ng panaginip mo, sinisigurado ko un. ~ Reyna ~ Napagisipan ko lang na pag nagkaanak ako ng girl papangalanan ko sia ng name na may Reyna. Eiwan ko, trip ko lang. Para feel niya na queen siya, dibah? Hehe. ~ Mother's Day ~ Something weird happened. Nagising ako na umiiyak ako. Actually nanaginip kasi ako. Basta tunkol sa importance ng mom ko ung dream. It shows how I don't appreciate her and stuff like that tapos biglang nawala siya at hinahanap ko siya at dun ko narealize ung importance niya tapos umiiyak ako sa dream. Nagising ako bigla taps umiiyak tlga ako. Weird no? Hindi ko alam na puede ka palang umiyak sa sleep mo. Well, ayun nacontinue ang pagiyak ko for about 5 minutes tapos bumangon na ko to find na walang tao sa bahay pero alam ko namang nandun silang lahat sa bahay ng lola ko. Hay, dreams talaga oh they really mean something. ~ Nung bata ako ~ Nung April 30, eh nagswimming kami. Pag-uwi namin eh kuentuhan. Mommy ko ung nagkukuento. Kinukwento nia nung bata pa ko. Nung bata pa daw ako eh sobrang pinapagod ko si Tita ley, eh college pa lang siya nun. Pag daw nasa duyan ako at matutulog na ko kailangan si tita ley ang naguugoy ng duyan. Pag daw titigil na siya tapos mommy ko na ung maguugoy ng duyan eh iiyak ako taps pag si tita ley ulit eh tatahan na ko. Tapos may certain patalastas daw na pag yun ung lumalabas na patalastas pinapapatay ko ung TV kahit nanonood silang lahat. Magwawala daw ako pag hindi nila pinatay. Tapos gusto ko daw sinusuot ung butas butas na sando. Aircon daw tawag ko dun para daw malamig. Tapos daw may "powers" ako nun to foresee the future. May mga invisible friends daw ako nun na naksakay sa mga langgam na kinakausap ko daw lagi pag naglalaro ako sa labas ng house. One time daw eh nawala wedding ring ng lola ko taps sabi ko daw tatanong ko sa friends ko na nakasakay sa langgam. Pagbalik ko daw sa bahay eh nakita na nila ung singsing. Tapos pag tinatanng daw ako ng lola ko kung ano ung tatama sa jueteng lagi daw siang nananalo taps daddy ko rin daw, sa lotto pero mga 4 numbers lang pero lagi din siang nananalo. Tapos ito talaga ung super major na naforesee ko. Nagkamali kasi ang mga doctors pero ako tama. Nung nabuntis ung mommy ko sabi ng doctors lalaki daw ung magiging kapatid ko so as in lahat ng gamit daw na pinagbibili nila eh panlalaki taps color blue and stuff. Lagi ko daw sinasabi nun na babae ang magiging kapatid ko at gusto ko daw eh Sarah Jane ang pangalan nia. Lagi nilang sinasabing hindi kasi sabi ng doctors eh lalaki. Pagka panganak ng kapatid ko, AYUN! babae nga. Ayaw kasi nilang maniwala sakin. So, dahil dun mejo sinunod nila ung gusto kong name. May Jyne ung pangalan ng kapatid ko. Kaya siguro mejo boyish sia ngaun. Dahil siguro sa incident na un. Nakaktuwa lang marinig ung mga stories na un. Ang kyut! ~ Ayan, natapos ko na blogpost ko. Maganda na ang keypad ng Netopia dito sa Dolores eh. Newei I decided na hindi muna magpopost ng pics hehe, para suspense. Magulat nalang kau pag nakita niyo ko sa June 5. Ahihi. TTYL.^_^
you know you love me xoxo
3:20:00 PM
Y 5.06.2006
The Week That Was
eist, etoh na naman pow ako..nagbabalik sa blog para naman maibahagi sa mundo kung anong nangyayari sa buhay ko kahit na ako'y malayo sa mga taong mahal ko at sa mga espesyal na tao sa buhay ko... ~ there was really nothing special with this week, i think, tulad lang sia ng kaht anong week, pero at least hindi boring, actually it started with a bang nga eh..hai ang dami kng kuento... ~ Sunday, April 30 ~ Last day of April, may swimming ang family sa King's Royale, pinapapunta kmi sa bahay ng lola namn for lunch pero hindi ako pumunta. After some time, dumating ung tita ko then sinabi nia sakin na ung dati kong phone, ung SMART Amazing Phone na CP ko nung 2nd year. Biglang napasama ako sa kania sa bahay ng lola ko kasi naman nung nasira ung phone, well, marami pang messages dun na hindi ko naeerase so i wanted to be the one to touch that phone para maerase ko without their knowledge. When we arrived, wala daw charger, hindi mabuksan pero my other aunt has a similar phone kaya pinahiram muna nia ung charger. Nung inoopen nia, andun ako sa room with my brother and cuz. Biglang sinabi nia "Kiks,-nickname ko sa bahay, pinaikling Kikay-why are there CONTROVERSIAL messages here?" Grabe, when she said that, pinawisan ako ng malamig. Alam mo ung feeling na alam na alam mong mapapagalitan ka na at nagiisip ka na ng palusot mo? Then she said "Who's this?" Wala akong nasabi...Kung ano man ung sasabihin ko it got stuck in my throat and I suddenly left the room hearing my brother say.."Kaya ayaw niang pinapakita ung tinetext nia..." I was panicking, then she called me ulit.."Nix! Nix!" Hay, sabi ko sa sarili ko, kaya ko toh..bahala na, 2nd year pa naman un eh, matagal nang tapos. wala kasi sia nung confrontation nung september nung pinagalitan na ko sa harap ng buong family, akala ko mauulit na naman..natrauma na ko..Taps tnanng nia kung nakita na daw ba un ng mommy ko, umiling lang ako taps sabi nia, burahin ko na daw para ndi nia makita...waw...i was so relieved nung cnabi nia un, edi sobrang nagmadali ako sa pagdedelete, she asked me if i wanted to reAd the messages, I said no. I was kinda curious din siempre, pero mas importanteng madelet na ung mga un, cguro mga 100 messages un at 80% ay galing lang sa isang tao. Aun, mejo pinagsabihan lang nia ako, and she asked me cno ngaun, sabi ko wala..as in wala tlga...eh wala naman tlga. Oion, then sabi nia I'm too young blah blah blah, etcetera, the usual. Tapos iniwan na nia ko to delete the remaining mga 20 messages. Aun, my curiosity got me at binasa ko, well, wala akong masabi. Hindi ako makapaniwalang ako un. Nabura ko na kasi ung inbox at halos mga sent messages na lang ang binubura ko. After that was total RELIEF. At least the Past is wholly erased now. Wala ng traces ng past kahit saan and I'm free. Aun, after that scene, well swimming kami taps may nakita akong girl from MaSci na nagulat ako kac anong ginagawa ng isang mascian sa pampanga, pero first year un, nakilala ko lang xa kac lague xiang kasama ni sally nung campaign. After that i saw an old friend, si Georgia, isang kapwa kulasa. Parang nagmerge ang dalawa kong mundo. Kulasa at Mascian. Well, I actually realized something lately. Kahit I'm already a MaScian in nature, I'm still a Kulasa at heart. Kasi, simula first year, well mejo kakaiba na ung galaw ko to other people ung naartehan sila. Ang mahanap ko lang naman na reason eh dahil ganun tlga ako bilang kulasa at hindi na napalitan ung mga galaw na un. Eion, nung gabi na, well about midnight, masaya naman ako. ~ Aun lang naman ata ang major story ngaung week. I just attended review lessons at I made new friends. Carol and Vanessa are two girls from Montessori na una kong naging friends taps sina Kim from PhiSci at JP from Chevalier tapos lately si Cielo from Chevalier at sina Ena at Lau from PHS. Well, I'm happy na I have new friends ngaun summer at least hindi na sobrang lonely. Sobrang miss ko na tlga friends ko na nasa Manila ngaun at magkakasama kaht during review lang or sumthng. Neweiz I watched a movie called Match Point and it was quite a movie. Next time nalang ang story dahil I'm really hungry na. Hai, natanggal ang lock ng braces ko kanina, and I was only eating bread. Sabi ni Georgia, nung nakita ko sia na 2 years ang braces nia. Oh well, edi ung braces ko mga hanggang year 2008 pa. Hay...sana masanay ako. Neweiz, ang cute nga pala ni Shan Sawada sa Gokusen...ahehe, ala lang, and nga pala, ung mga pix eh next time nalang. I forgot to bring the USB to the shop. I could go no further cause ala na kong masulat dahil gutom na gutom na tlga ako...till next time.
you know you love me xoxo
5:23:00 PM
|