Y 3.15.2006
LOVE
 Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya,baliktarin mo at totoo pa rin. Ang labo diba? Pero ang linaw. Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Leche, ano ba talaga?! May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only for stupid people." Nakakatawa kasi loud ang standing niya,pero dumating ang panahon,na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang. Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig .Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga! walang pakialam, nagiging MotherTeresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas, lumalambot. Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh.Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit,sabihin mo lang ang magic words na"Ayoko na ma-inlove!" biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman. Di ba nakakatawa rin na pagdatingsa problema ng ibang tao, ang galing galing mo? Pero 'pag problema mo na yung pinag-uusapan, parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo modun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang malidun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama? Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko naeh!" "Ang sarap m! abuhay. Pwede na 'ko mamatay.Now na!"At hindi lang 'yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig.Tapos 'pag luray-luray na yung puso nila,siyempre hindi sila yung may kasalanan.Siya! "Bakit niya 'ko sinaktan?" (May kasama pang pagsuntok sa pader yon,at pagbabagsak ng pinto.) "Hayop talaga." Mauubos ang buong magdamag sakakasabi ng mga bagay na nakakatawa'pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses mo kasi siya makakasalubongkaya masasabi mong eksperto ka na. Pero wala ka pa ring alam. Pero ang pinakanakakatawa sa lahatay ang katotohanang kapaggusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng ari-arian modahil siguradong ikaw ang punchline. Nakakatawa no?Nakakaiyak.
you know you love me xoxo
8:52:00 PM
|