Y 1.07.2006
Bagong Buhay

Mabuhay! Sa kadahilanang nagpost na si Abychu sa blog nia ng post in the Filipino Language eh, ganun na rin ako. Matagal ko nang gustong magpost sa Tagalog dahil hindi naman ako American/British para gawing pure English 'tong blog ko. Hindi rin naman ako inglisera in real life. Actually natutuwa nga ako sa sarili ko eh. Kaya kong pagsamahin ang dalawang lenguahe at isang dialekto sa isang usapan. Dahil sa tagal na ng panahong nakatira ako sa Manila eh hindi nako masyadong makapag-straight Kapampangan, eion kaya may halong tagalog at english words. Na-inspire din ako ni Bob Ong na gamitin ang sariling wika sa pagsusulat ng mga kung ano-anong bagay na gusto kong isulat.
Masaya. Masaya ako. Oo, aaminin ko. Bakit naman ako masaya? Una, dahil enjoy kasama ang BDT. Laging siguradong enjoy kaht tatlo lang kayo. Tama ba Maton? Vanir? Na-hurt ako ng konti kahapon dahil mula sa 11 BDT eh, tatlo nalang kaming natuloy na manood ng Ako Legal Wife. Actually sila nga ang gustong manood non. Tapos biglang hindi sila sasama. So, tatlo na lang kami at naghatak na kami ng kung sinu-sino. At ang kung sinu-sinong iyon ay si Mike at Em. Ayaw nilang pumayag kasi puro babae daw nung sinabing sasama si Gaux biglang pumayag eh hindi pala sasama kaya hindi na naman. 'Eto namang si Em, nakalimutan ko na bakit ayaw niya. Ayun, sa huli sumama si Mike. Medyo inisip ko kung tama bang isama siya kasi kasama namin c Maton pero nung andun kami, owkei naman pala sila eh. May kanya-kanya nang buhay kaya walang ilangang nangyari. Masasabi kong maganda ang movie in a way that nafulfill nia kung anong dapat niang gawin, which is magpatawa. Oo, natawa naman ako kaya lang may mga parts na inaantok ako.Nasa gitna ako ni Maton at Mike. Hindi ako puwedeng sumandal kay Mike at si Maton naman eh enjoy kaya hindi rin ako nakasandal sa kaniya. Kaya upuan nalang ang sinandalan ko. Natuwa naman ako dahil nagawa ko na ang standard ng Love Shine sa Dance Revo. Kahapon 'toh, Friday. Pag-uwi ko eh pagod na ko kaya nakatulog agad. Kaya lang biglang nung mag-12 na biglang nagicng ako sa text. Nasa ilalim kac ng ulo ko. Ngayon pala, wrong send lang. Haaay. So, 12 un. 2 am na ata eh hindi pa bumabalik ang tulog ko eh kailangang gumising ng 6 para magprepare sa pictorial namin. Oo, seryoso ako, may pictorial kami para sa project at kailangang magdala ng damit.
Ayun, nag-alarm ng 6, hindi ako bumangon. 6:30, hindi parin. 7, bumangon na pero inunahan ako ng kapatid kong maligo kac aalis din pala sia, eh malay ko ba kaya un, late ako, pero isa ako sa unang dumating hehe, at 2 hours un bago pa kami nakumpleto. Ayun, nakapagpictorial naman kami ng maayos at natuwa ako dahil nagawa na ung nakahigang pabilog, hehe. Ayun, speaking of pictures. Naalala ko na naman ung picture ni Em nung 1st year. Hehe, natuwa kac ako dun sa picture, ang guwapo nung nasa pic. Kung hindi pa nila sinabi na si Em nga yun eh hindi ko talaga maiicp at iisa-isahin ko pa lahat ng boys sa buong batch para lang madetermine kung cno un. Hindi talaga niya kahawig ngayon. Pero as in ang cute nung picture. Ehem. Ung picture lang. hehe. Dahil dun, kung ano ano pa pinagsasabi ni Chad. Hehe, pero hindi ko bibiguin c Chad. Dahil hindi ak maasar sa kania. Isang buong taong pang-aasar at hindi pa ko naasar. Record un. Muntikan na nung one time na sinabi niyang nagseselos ako kay Margaux nung nanood sila ni Mike. Yun yung konti nalang mababatukan ko na sila ni Mikhail. Anyway, balik sa araw na 'toh. Ayun, masaia nga. Hehe. Hindi mo na kailangang malaman kung bakit masaya basta masaya ako. Yung mga taong kasama ko kanina na lang ang nakakaalam kung bakit. hehe. Eion, sabi ko nga lately eh lague na kong masaia kac except nung Jan. 2 ata un eh since pagbalik ko dito sa Manila hindi na ko naasar. Natutuwa na lang ako palagi. Hehe. Bakit? basta un na un.
Breaking News nga pala, Best Picture ang Blue Moon. Hehe. Oh, edi proud to be Ms. Blue Moon ako ngayon. Inaasar kac nila ko lague eh. Pero natuwa naman ako. Taps si Jose ung best Supporting Actor. Nagulat ako pero natuwa rin kac kaht ndi ko pa napapanood ung Enteng eh nafifeel ko na magaling naman si Jose dun. Haay. Weekend na naman. Marami na namang gagawin pero owkei lang. Haay. Ayos naman ung stainless longganisa na latest book ni Bob Ong pero hindi siya fave ko sa lima. Mas natawa ako sa Alamat ng Gubat pero mas malaman at nakakarelate parin ako sa ABNKKBSNPLAko??!! Nga pala, at last, makakapagsimula na kami sa movie namin sa Arts. Dati kac medyo naguguluhan pa kami sa gagawin at kulang kami sa actors. Ang boys lang kasi samin eh si Leo, CM, Ph, at Erol. Sa kanilang apat, si Leo lang ang mukhang playboy na image to become a leading man. At ni isa sa kanilang tatlo ay for me, hindi puwedeng pang second leading man sa script. Dahil mukha silang mababait. Hehe. Eion, para mas madali, napagicpan namng makipag merge nalang ng group. Apat ang groups. At dahil ung dalawang group eh meron nang nacmulan eh isang group nalang ang wala pa at un ang grupo nina Kim. Ayun edi nagdiskusyon kami nung Filipino time kahapon dahil wala si Mam Vidal at home room time. Natuwa naman ako sa mga ideas namin. Eion, so sa bandang huli ang naging role ko eh leading lady. Eiwan ko ba bakit ako. Eh un owkei lang naman sakin. Leading man ko naman eh c Em. Dapat lang eh ayusin nia. Taps ang mga characteristics namn eh ung mga kabaligtaran. Gusto ko na ngang makitang tibo si Vanir at Rakista si Kim eh. Gusto ko na ring makita si Janica as rich girl na suplada. Rinetain na namin ang real names kac baka magkalituhan sa dami namin. Hindi ko muna ikukwento story kac medyo magulo pa. Pag natapos na kaming magshooting cge, ang blog ang unang makakaalam ng whole story or kapag may parang script na kami. Kasi, napagisipan naming wlang mismong script para natural ang flow ng words. Ayun, so hindi na naman ako uuwi ng dalawang weekends.
Owkei, wala na kong masabi. Basta, masaya ako. Un na un. At dahil nagtatype na ko in Tagalog eh txt na ung words ko. Sorry, intindihin nio na lang. Ganian tlga ko. Wla na kaung maggwa. So, simula ngaun. This is the real me. No more cover ups with English words. Ako na tlga toh. Si Klyonne Whannica Mari Vicentina Dela Cruz. Hay, naalala ko na naman ung nagpapicture kami kahapon. Walang hiya si Maton. Buti nalang at hindi napunta samin ung part na un sa sign-up sheet ng picture. Tama ba namang ilagay na pangalan ko ang Nica D. Sison?? Wala talaga siyang magawang matino sa mundo. At nalito pa ang bruha kung D nga ba ang magiging middle initial ko. Cie, hanggang dito nalang muna. Congrats sa Blue Moon. Congrats kay Jose. Congrats din sa kung cno man ang iba pang nanalo.
Kadalasan, pabagu-bago talaga ang buhay. Kailangan nating mag-adapt sa lahat ng nangyayaring pagbabago. Dun ako pinakanahihirapan. Ang mag-settle sa isang bagong set-up sa buhay. Matagal bago ko magawa un at kadalasan topak ako pag ganun ang mga nangyayari. Siguraduhin mo nalang na bago pa magbago ang lahat sa paligid mo eh, napahalagahan mo at minahal ang mga taong nagpapahalaga at nagmamahal sayo.
you know you love me xoxo
7:30:00 PM
|